Sabado, Setyembre 24, 2016

Pamumuna sa wikang jejemon

        Pabago-bagong gamit ng salita at wika nakakapagpaganda nga ba ? Kung ikaw ang kikilatis , saan ba palagay ang loob mo ? Sa wika na kinagisnan mo o sa bagong wika na umusbong sa ating bagong henerasyon ?  Na madaming pauso para masabing kakaiba ngunit ito ay makakalimutan at lilipas din.

        Ayon sa documentaries na aking napanuod ay sa ating bagong henerasyon maraming salita o wika ang umusbong , halimbawa na lang ng mga salitang beki , mga salitang kalye at saltang jejemon. Ito ay mga grupo na lumilikha ng mga makabagong salita na kapwa sila lang halos ang nakakaunawa at kumakalat lamang ito bigla. Para sa anu nga bang kadahilanan upang baguhin ang mga salita o ang ating wikang kinagisnan ? Para ito ba'y mas maunawaan o makagulo lamang ng mga kahulugan ng ating mga orihinal na salita . Ang pagbabago ng wika o ang anyo ng wika upang mas mapaganda pakinggan o mabasa ang mga ito ay hindi nararapat , dahil isa lamang itong hadlang upang pagyamanin at paunlarin ang ating wikang kinagisnan. Ang pagtangkilik sa paraang ito at halintulad ng pagpapakita ng kamangmangan o bulag sa katotohanan na ang sariling wika ang dapat pinapaunlad upang ito'y hindi maglaho dahil lamang sa pagnanais baguhin o ibahin ang mga wika.

       Tangkilikin natin ang sariling atin, makuntento tayo sa kung anong meron tayo at huwag natin naisin pang baguhin o palitan ang ating wikang kinagisnan datapwat ito'y ating pagyamanin at paunlarin upang ito'y hindi maglaho , dahil ito ang ating pagkakakilanlan.

       Ang antas ng wikang ginamit ay di-pormal, balbal , dahil gumamit ng salita na nilikha ng kanilang grupo. Halimbawa ay "KHuMUZTa pHo ?" . Sa tungkulin ng wika ay panginteraksyunal, pagpapanatili ng relasyong sosyal ngunit sa hindi tamang paraan. Halimbawa "WaG kHa mHakULiTZ" dahil ito ay nagpapanatili ng kanilang relasyong sosyal sa kanilang grupo , wikang jejemon. Sa barayti ng wika ay sosyolek . Pangkat, sila ay nahuhumaling sa kanilang wikang nilikha.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento