Sabado, Setyembre 24, 2016

Gaano nga ba kalawak ang kaalaman ng millenials sa wikang Filipino?

     Gaano nga ba kalawak ang kaalaman nating mga Pilipino sa ating wika ? Hindi bat mas umiiral ang wikang banyaga sa ating pang araw-araw na ginagawa . Hindi lamang natin ito napapansin dahil tayo ay bulag sa katotohanan .

     Sa bawat paglipas ng panahon maraming grupo ang lumilikha ng kani-kaniyang wika. Tayong mga Pilipino minsan mas ninanais pa nating paguhin ang wikang kinagisnan natin. Ngunit may mga Pilipino paring malawak ang kaalaman pagdating sa ating sariling wika. Sa paglipas ng panahon hnd natin napapansin na wikang banyaga na ang umiiral sa atin . Wikang pinaghalong Tagalog at ingles , ginagamit ito ng iba dahil ito ay kakaiba pakinggan. Kung minsan hindi na nakakatuwa ang pagiging maalam ng mga Pilipino dahil pinipilit nilang baguhin o dagdagan pa ang wikang ating kinamulatan . Dahil sa mga lumilikhang grupo , naaapektuhan nila ang isip ng iba kaya lumalawak ang ibang wika dahil ron nag iiba ang mga salita na binibigkas ng mga Pilipino.

     Dapat mas malawak ang ating kaalaman sa ating sariling salita o wika at imulat natin ang ating mga sarili sa kung ano ang dapat natin gamitin o sa kung ano ang dapat nating tangkilikin . Ang mga salitang dapat mas higit nating pinapahalagahan at pinagyayaman upang ito'y hindi tuluyang maglaho at masayang .

     Ang antas ng wikang ginamit ay pormal . Pambansa, halimbawa nito ay ang mga salitang binigyan ng katumbas na kahulugan sa wikang Filipino "orange-kahel, typewriter-makinilya , math-sipnayan , at iba pa" . Ang   tungkulin ng wikang ginamit ay heuristik dahil sila ay gumamit ng mga salitang "kung gaano nga ba kalawak ang kaalam ng millenials sa wikang Filipino?" At Informativ dahil ito ay nagbibigay impormasyon tungkol sa mga salitang may katumbas na salita sa Wikang Filipino. Ang barayti ng wikang ginamit ay sosyolek , dahil sila ay nakipag usap o nakipagpanayam sa mga iba't ibang estudyante at ang mga nagbigay ng kani-kanilang mga kaalaman sa mga salita.

Pamumuna sa ebolusyon ng wika

     Sa paglipas ng panahon ,  sa bagong henerasyon ay  unti-unting bumubuo ng nga grupo upang bumuo ng isa o panibagong wika na hindi angkop sa atin , ginagawa ba nila ito upang makapukaw ng pansin sa iba? 

     Ebolusyon ng wika, sa panahon ngayon dumarami ang mga grupo na may mga sariling likhang wika , hindi sila makuntento sa kung anong wika ang kanilang kinagisnan . Hindi nila magawang pagyamanin ang wikang kinagisnan sa tamang paraan . Masyado silang nagpapakamangmang , nagpapalinlang sa mga naiisip na pansarili lamang at para sa kasiyahan ng kanilang grupo lamang. Hindi ba't ito ay humahadlang upang ang ating sariling wika ay pagyamanin at paunlarin . Kapag hindi natin ito inalagaan at pinag ingatan , ito ay maglalaho na parang bula na lamang. Sa paglipas ng panahon tayo ay lilipas din , mamamatay at maglalaho , pag hindi tayo iningatan at minahal , tayo ay mamamatay ng walang saysay. Paano na lamang sa wika ? Papayag ba tayong ito ay maglaho ? Ang ating kinagisnang wika ay mapapalitan ng wika ng kamangmangan ! Hindi ito narrapat , hanggat tayo ay nabubuhay , ating wikang kinagisnan ay pagkaingatan upang ito'y manatiling buhay sa ating paglisan.
 
     Ang wika natin ay sangkap na maituturing ,dahil ito'y naaayon sa ating pagkakakilanlan . Subalit kung patuloy na magbabago tayo din ang mahihirapan. Kaya mahalin at huwag talikurab ang ating wuka ito ay magagamit natin upang maging simbolismo ng isang mahusay na pilipino. Mahalaga na makuntento tayo sa ating wika nang sa ganin ay hindi tayo maging mangmang.

     Ang antas ng wikang ginamit ay di-pormal. Balbal, dahil lumikha sila ng sariling salita o wika ng kanilang mga grupo upang sila lamang ang magkaintindihan. Halimbawa "pera" . "Kita" , "pare" na ibig sabihin ay "anda" , "atik" , "repapips". Ang tungkulin ng wika ay panginteraksyunal ngunit sa maling paraan . Halimbawa, " repapips" jejemon "HeLoWZ PoWZ , MUzTa nHa YoWZ" , ito ay ginagamit nila upang makipagbiruan kung minsan ay ginagamit nila upang makipagkapwa tai. Sosyolek ang barayti ng wikang kanilang ginamit , dahil para ito sa kanilang pangkat. Halimbawang mga pangkat , "jejemon , bekimon , gaylingo" . Ang wikang Filipino , nanganganib na nga ba upang ito'y maglaho ? Kailangan natin itong pigilan sa halip ay pagyamanin at paunlarin .

Pamumuna sa wikang jejemon

        Pabago-bagong gamit ng salita at wika nakakapagpaganda nga ba ? Kung ikaw ang kikilatis , saan ba palagay ang loob mo ? Sa wika na kinagisnan mo o sa bagong wika na umusbong sa ating bagong henerasyon ?  Na madaming pauso para masabing kakaiba ngunit ito ay makakalimutan at lilipas din.

        Ayon sa documentaries na aking napanuod ay sa ating bagong henerasyon maraming salita o wika ang umusbong , halimbawa na lang ng mga salitang beki , mga salitang kalye at saltang jejemon. Ito ay mga grupo na lumilikha ng mga makabagong salita na kapwa sila lang halos ang nakakaunawa at kumakalat lamang ito bigla. Para sa anu nga bang kadahilanan upang baguhin ang mga salita o ang ating wikang kinagisnan ? Para ito ba'y mas maunawaan o makagulo lamang ng mga kahulugan ng ating mga orihinal na salita . Ang pagbabago ng wika o ang anyo ng wika upang mas mapaganda pakinggan o mabasa ang mga ito ay hindi nararapat , dahil isa lamang itong hadlang upang pagyamanin at paunlarin ang ating wikang kinagisnan. Ang pagtangkilik sa paraang ito at halintulad ng pagpapakita ng kamangmangan o bulag sa katotohanan na ang sariling wika ang dapat pinapaunlad upang ito'y hindi maglaho dahil lamang sa pagnanais baguhin o ibahin ang mga wika.

       Tangkilikin natin ang sariling atin, makuntento tayo sa kung anong meron tayo at huwag natin naisin pang baguhin o palitan ang ating wikang kinagisnan datapwat ito'y ating pagyamanin at paunlarin upang ito'y hindi maglaho , dahil ito ang ating pagkakakilanlan.

       Ang antas ng wikang ginamit ay di-pormal, balbal , dahil gumamit ng salita na nilikha ng kanilang grupo. Halimbawa ay "KHuMUZTa pHo ?" . Sa tungkulin ng wika ay panginteraksyunal, pagpapanatili ng relasyong sosyal ngunit sa hindi tamang paraan. Halimbawa "WaG kHa mHakULiTZ" dahil ito ay nagpapanatili ng kanilang relasyong sosyal sa kanilang grupo , wikang jejemon. Sa barayti ng wika ay sosyolek . Pangkat, sila ay nahuhumaling sa kanilang wikang nilikha.